01

……..*KARMA has no MENU but you get served for what you deserved..

……..*Ang tunay na lalake nagbabago para sa babae, hindi yong pabago bago ng babae.

……..*Minsan sa pagiging insensitive mo hindi mo namamalayan na itinutulak mo na pala palayo ang taong laging umiintindi at umuunawa sayo..

…….Baket naimbento ang MONTHSARY? kasi karamihan ng may relasyon hindi na umaabot ng ANNIVERSARY..

……..Ang tunay na nagmamahal  ay marunong maghintay hindi yung habang naghihintay ay suma sideline…

……..mas mabuti pang tapatin ka ng isang tao sa masakit na katotohanan, kesa paniwalain ka sa isang malambing na katotohanan..

………Minsan kahit ilang beses pang sabihin ng utak mo na “TAMA NA” pilit parin sinasabi ng puso mong konteng tiis pa..

 

02

Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising. Dahil sobrang saya ng pakiramdam ko pag kasama kita. Sana habang-buhay tayong magkasama. Mahal na mahal kita.

 

Dati na akong nasaktan, ngayon ay muling nagmamahal. Sana sa pagkakataong ito ay maging pang-habangbuhay na. Mahal na mahal kita.

 

Binigyan mo ng kulay ang dating madilim na mundo ko. Ngayon, ang nais ko lang na malaman mo. Na ikaw lang ang pinakamamahal ko. At ako’y umaasa na sana’y ganon din ako sayo. Mahal kita!

 

Magdilim man ang ulap,
at mawala ang mga tala,
hindi ako malulumbay.
Dahil ang buhay ko ay maliwanag dulot ng iyong tapat ng pag-ibig at pagsintang tunay.

 

Tamarin man akong gumawa ng takdang-aralin,
hindi naman ako mawawalan ng ganang mahalin ka.

 

Ayaw kong lumiban kahit minsan kasi gusto ko na lagi akong nandyan sa tabi mo para paligayahin ka

 

Mahal kita dahil sa pagmamahal na iyong binigay sa akin.
Kapag kasama kita, ako ay laging masaya at puno ng buhay.

 

Ang buhay ko ay hindi magiging ganito kasaya kung hindi ka dumating sa buhay ko.
Salamat sa tunay na pagmamahal na pinadama mo sa akin.

 

Ang sarap pala ng pakiramdam ng magmahal.
Pero wala nang hihigit pa sa ligayang dulot na ikaw ay mahalin ng taong mahal mo din.
Salamat sa iyong pagmamahal!

 

Mahal, sana habang buhay tayong magmahalan ng ganito.
Hindi ko yata kakayanin kung mawawala ka pa sa aking piling.
Mahal kita

10

Ang RELASYON, pinagtitibay…
Hindi pinagsasabay-sabay.

 


Hindi bale ng masaktan ng panandalian…
Kesa sa magpakatanga ng pang-matagalan!

 

Habang nasayo ang taong mahal mo, alagaan mo…
Huwag mong hayaang dumating yung araw,
Na pagsisihan mo na nawala na siya, at sabihin niya sayong ,
“Ikaw kasi eh, pinabayaan mo ko…

 

Bakit ang tao pag love mo, iiwan ka.
Pag naman iniwan mo mamahalin ka.
Pag love mo siyang talaga,
May love namang iba bakit ganun,magulo, tulad mo

 

Alam mo mahirap pag nawala yung mahal mo..
Nakakalungkot, masakit,nakakamiss.. bakit ganun no?
Pagkatapos ng saya dadating din yung oras na iiwan ka niya..
Doon pa sa part na sobrang mahal mo na siya.

 

Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan.
Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan.
Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan

 

Minsan daw, kakapagod magmahal:
Minsan masaya tapos may oras na iiyak ka!
Sabi nila magsasawa din ako.
Sabi ko di totoo yun! Alam mo bakit?
“kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo

 

 

09

Masakit marealize ang isang bagay kapag huli na.
Inaalala mo nalang yung mga panahong magkasama kayo,
panahong pinaparamdam niyang mahalaga ka sa kanya at
mahal na mahal ka nya, Lahat ng tao marunong
magmahal pero dapat nating tandaan na ang puso’y nasasaktan at napapagod din,
Lahat may hangganan lahat nagbabago
maaring ngayon mahal ka nya pero pwedeng bukas iba na ang mahal niya
Dun pa sa araw na dimu na kayang mawala siya.

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Aanhin mo ang lalaking gwapo,
Kung masisira naman ganda mo sa kakaisip kung ilan kayo?

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Hindi naman masama ang magmahal
Nagkakataon lang na mali ka ng minahal.

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Minsan tinitingnan mo lang ang gusto mung MAKITA..
Pinapakingan mo lang ang gusto mung MARINIG..
Bakit hindi subukang intindihin ang hindi mo maintindihan.
Baka sakling malaman m0 yung dapat mung MARAMDAMAN

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

 


Minsan ang sinasabi ng isip,
Iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito!
Hindi malaman kung alin ang dapat sundin.
Ang isip na nagsasabi ng dapat?
O ang pusong nagmamahal ng tapat.

08

Mahirap maging “ghost” sa taong mahal mo..
You’re always there pro d nya feel presence mo..
nagpaparamdam k n pro balewala p rin..
cguro gnun tlga.. lalo na kung walang 3rd eye ang puso nia

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Importante ba yung word na mahal?
Ewan ko lang pero para sa akin
Mas importante ka, lam mo kung bakit?
Kse how can i say “mahal kita”…
kung wala ka naman

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Nakita kita na may kasamang iba,
Nasaktan ako, lumuha,
Ang sakit pala na makita mo ng harapan
Na makitang hindi na sayo ang dating nagsasabing
Mahal kita, magpakailanman.

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba
Mahirap umasa, mahirap magmukhang tanga,
Pero ayos lang, ang mahalaga, mahal kita,
Hanggang mapagod ang puso kong maghintay at umasa

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Di ba sinabi ko sayo noon pa na gusto kita?
Pinaramdam ko rin sayo na kelangan kita diba?
Isang araw tinabihan po kita at sinabing,
“alam mo, mahal kita” pero sabi mo naman…
“kaw talaga nagpapatawa ka ba?”

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Pinilit kong kalimutan ka
Pinilit kong umibig sa iba
Pero ano bang kelangang kong gawin
Kung ang puso kong hibang, ayaw kang limutin?

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Sana, noon ko pa sinabi na mahal kita,
Sana ngayon ay kasama na kita.
Sana noon pa ay tayo na
Dahil masakit tanggapin na sabihin mo na,
“Mahal din kita, pero sana noon pa,
Noong wala pa akong iba”

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Kahit gaano pa karaming coke ang inuumin ko,
hindi ko parin makukuha ang tunay na happiness kung wala ka sa tabi ko.

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Hindi ko masasabing hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
Kasi nabuhay na ako bago pa man kita makilala.
Siguro mas magandang sabihin na ayaw kong mawala ka.
Kasi masayang mabuhay ng kasama ka..

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Huwag kang bumitaw hangga’t binibigyan ka nya ng dahilan para kumapit. Pero kung hindi ka naman nya hinahawakan ng mahigpit, mas okay na yung malalaglag ka at masaktan kesa iwanan kang nag-iisa nang nakalutang.

- – – – – – – – – – – – – – – – – – -

Malalaman mo lang na mahalaga ang PISO kapag nagkulang ang PAMASAHE mo.
Same as..
Malalaman mo lang na MAHALAGA ako sayo kapag wala nako sa BUHAY MO.

Pen-pen de Serafin – Kabanata 2

Unang araw nila sa High School swerte at mag kaklase sila.

“Halos wala akong makitang kaklase natin nung elementary ah?” sabi ni Serafin kay Pen-pen habang kumakain sila sa canteen ng eskwelahan.

“Oo nga eh.” Tugon nito habang kina kagat ang hamburger na hawak.

“May nakita kong maganda kanina eh hehe” Pilyo ang pag kakasabi ng binatilyo. Sa di malamang dahilan ay parang nainis si Pen-pen.

“Maganda?” tanong nito kahit alam naman nya kung ano ang tinutukoy ng kaibigan.

“Oo magandang babae” wika nito na lilinga linga sa boong canteen ng eskwelahan.

Kumunot lang ang kanyang noo. “Nagsisimula ng mam babae ang kaibigan ko.. Kung alam mo lang Serafin minamahal na kita” Pero syempre sa isip nya lang to sinabi hindi na nya ito nagawang isa tinig hindi pwede ayaw nyang masira ang kanilang pag kakaibigan. Desidido na sya sa nararamdaman. Pero alam nya kung hanggang saan lang ang kanyang limitasyon.

Mabilis na anim na buwan ang lumipas at buwan na ng Disyembre.

“May itatanong ako sa’yo” Sambit ni Serafin habang tinatanaw muli nila ang ulap mula sa bintana ng kwarto ni Pen-pen.

“Ano yun”

“Ano ba tawag dito sa ginagawa natin? Cloud Gazing? Guess the Shape of the clouds?” sabay tumawa ito ng malakas napatingin si Pen-pen sa kaibigan natawa din ito habang pinagmamasdan si Serafin. Lumingon din ito sa kanya. Gaya ng inaasahan nailang nanaman sya sa kaibigan nag tama nanaman ang kanilang mata at sa tuwing nanyayari yun para syang matutunaw binaling nalang nya ulit sa ulap ang atensyon at saka nag salita.

“Nephelococcygia ang tawag sa ginagawa natin.” Pag papaliwanag ni Pen-Pen

“Ano? Nep coc.. Ano?” Hindi man isatinig ni Serafin pero humanga sya sa katalinuhan ng kaibigan.

“Nephelococcygia! NEP-HEL-OKO-IGIA yun ang pronunciation”

“Galing!”

“Mag internet ka kasi no? pag nag nenet ka puro kalokohan lang tinitignan mo eh” pabirong sabi ng binatilyo.

“Asus parang sinabi mo na rin na kalokohan lang ang profile ni Mara sa Friendster at sa Facebook” depensa ng kaibigan sa sarili.

“Gustong gusto mo na talaga si Mara no?”

“Sobra! kung hindi banaman mula first day ng klase natin hanggang ngayon Anim na buwan na nililigawan ko pa din sya”

Simple lang kung tutuusin ang tugon na yun ni Serafin pero sobrang sakit ng epekto nito kay Pen-pen hindi lang kinurot ang kanyang puso parang pinasabog din ito.

“Kita mo naman kung gaano kaganda si Mara” Dugtong pa ng binatilyo.

“Oo” Maikling pag sang ayon ni Pen-pen habang nakatanaw padin ito sa ulap huminga ito ng malalim at pinilit intindihin ang kaibigan. Nahihirapan na sya sa sitwasyon.

“Sa tingin mo ba may pag asa ka kay Mara?” tanong nito sa kaibigan. Pero katahimikan lang ang sumagot sa kanyang tanong. Lumingon s’ya kay Serafin para tignan kung bakit hindi ito nakasagot. Tulog na ang binatilyo. Nakataas ang dalawang kamay nito at nakaunan sa sariling palad ang kanyang ulo. Tinitigan ito ni Pen-pen.

“Bakit nga ba nag bago ang pagtingin ko sa’yo? Hindi ko akalain na hihigit pa pala ito sa pag kakaibigan” Sambit nito sa sarili habang alam nya na sa pag kakatitig nyang yun ay lalo syang mahuhulog at siguradong masasaktan. Tumabi sya dito nilakasan ang loob na umunan sa bisig ng kaibigan hindi na nya alam ang nanyayari ng mga oras na yun. Kung bibigyan lamang s’ya ng kapangyarihan na itigil muna ang pag dating ng bawat segundo, Piitin muna ang pag rehistro ng oras sa mundo, Ginawa na n’ya.

“Wag ka munang gumising pakiusap, langit talaga sa piling mo” Pakiusap nito sa kung sino mang may kapangyarihan na itigil muna ang oras. Mukang Pinagbigyan naman sya nito. Mahimbing na nga ang pag tulog ni Serafin.

Batid naman n’ya na hindi talaga kampi sa gusto nya ang tadhana hangad din n’ya ang lahat ng makakabuti sa kaibigan alam din nya ang konsepto ng mundo na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki pero paano nga naman na kung lahat ng dapat ay taliwas sa kanyang nararamdaman? Malungkot isipin na kahit anong gawin n’ya ay hindi na nya mababago ang konsepto ng buhay, ang tradisyon ng bawat tao at ang batas ng diyos. Sadyang malupit ang mundo para sa mga taong katulad ni Pen-pen. Ang kaganapan na hinahangad ng marami ay mukang pinagdadamot ng mundo sa kanya, at ang kabutihan ng hangarin nya sa kaibigan ay mukang hinahadlangan ng kanyang sariling nararamdaman.

“Ang gusto ko lang ay magmahal, mapamahal, at mahalin. Masama ba yun? Tanong nya sa sarili.
“Bakit kasi sa dinami dami ng mamahalin ko ng gantong katindi ay si ikaw pa? Ikaw na halos kasabay ko sa pag laki, ikaw na karamay ko sa lahat, ikaw na kasama ko sa bawat pangarap, ikaw na bestfriend ko. Bakit ikaw pa? at bakit bawal?” panay tanong nya sa kawalan pero sadyang bingi ang mundo para tugunin ang kanyang mga katanungan. Unti unti na rin syang natulog sa bisig ng minamahal.

Nanlaki ang mata n’ya ng magising nakakumot na s’ya, at nag iisa, madilim na ang kaninang bintanang tinatanaw nila. Nilibot n’ya ang mata sa buong kwarto pero wala na si Serafin. Tumayo sya para tumanaw sa bintana mula doon kita nya ang bintana ng kwarto ng kaibigan, wala na ring ilaw mula dito, nag aalala sya na baka nagising si Serafin na nakahiga parin sya sa bisig nito. May nakita syang papel sa lamensa binasa nya ang nakasulat dito:

“Hindi na kita ginising, Tulog na tulog ka kasi eh, kinumutan na pati kita bubuhatin ka na ng lamok eh hehehe1

Nangiti sya sa nabasa at nawala na rin ang pag alala. “Mahal kita Serafin” maikli nyang tugon sa sulat na kanyang hawak.

Masakit ang ulo n’ya ng magising kinaumagahan. Gaya ng nakagawian ay pupuntahan n’ya uli si Serafin para sabay silang pumasok. Sinimulan na nyang katukin ang pinto ng biglang buksan na ito ni Aling Lourdes.

“Oh! Ikaw pala Pen-pen, Hindi mo ba alam? Tanong ng ginang na mukang paalis na.

“Ang alin po tita?”

“Na kanina pa umalis si Serafin may susunduin daw s’ya” sabi ng ginang habang ikinakandado ang pinto.

“Hindi n’ya ho na bangit eh” Maayos man ang kanyang pag kaka sabi pero nag rerebulusyon naman ang kanyang puso. Alam nya na si Mara ang tinutokoy ni Aling Lourdes.

“Sige po tita una na po ako” Magalang na pag papaalam ni Pen-pen. “Sige hijo mag ingat ka.” Tugon ng Ginang habang kumakaway.

Huminga muli ito ng malalim habang nasa jeep na sinasakyan tila na kakasampung beses na ata itong bugtong hininga mula ng s’ya ay sumakay. Iniisip nya na kung papaano nga kung sagutin na ni Mara si Serafin? Paano na ang nararamdaman n’ya para dito?

Namataan nya si Mara pag pasok nya sa room pero mismong si Serafin ay hindi pa nagulat na lamang sya ng biglang may nag takip ng kanyang mata.

“Hold up! Hulaan mo kung sino to” Kilalang kilala nya ang boses ng kaibigan at alam na alam din nya ang style nito pag may nagagawa itong pag kakamali sa kanya.

“Naku! Bitiwan mo na mata ko” Sabi n’ya na medyo natatawa.

“Ui Sorry ha? Di man lang kita na text na susunduin ko si Mara biglaan lang kasi eh” Sabi nito sabay umupo sa kanyang tabi.

“Ok lang yun Saka nakausap ko mama mo”

“Nga pala nagawa mo bang yung research natin sa science?”Pabulong na tanong ni Serafin kay Pen-pen.

“Hindi ka nakagawa?” mahina din at halos di na madinig ang sagot ng binatilyo.

“Hindi eh. Katext ko kasi si Mara nawala sa isip ko, Pahiram naman oh baka kaya ko pang kopyahin”

Iaabot na sana ni Pen-pen ang papel sa kaibigan pero biglang dumating si Mrs.Cortez ang kanilang guro. Kunot ang noo ng masungit na guro.

“Sinabi ko na sa mga walang project nung nakaraan na last chance na nila to kung hindi mapipilitan akong i-zero ang kanilang grade sa subject ko!” Malakas at halatang galit ang sabi ng istriktang maestra.

“Hindi kayo matututo kung di kayo paparanasin ng batas na bakal.. Huwag nyo kong subukan!” Dagdag pa nito na halos lumabas ang litid sa leeg.

Pareho silang walang project nung nakaraan kaya pinilit talagang mag research ni Pen-pen. Pero si Serafin hindi nakagawa. Pag ka talikod ng masungit na guro ay agad na inaabot ni Pen-pen sa kaibigan ang research nito

“Ipasa mo na yan” Kaswal na sabi ni Pen-pen kay Serafin sabay abot ng ginawa nitong research

“Pano ka?” tanong ng nag tatakang binatilyo.

Sasagot pa sana si Pen-pen sa tanong ni Serafin ng biglang humarap si Mrs. Cortez naiwan na sa kamay ni Serafin ang research paper. Wala na tuloy tong choice kundi lagyan ng pangalan at ipasa.

“Pen-pen salamat ah..kayalang paano ka? Diba wala tayong research nung nakaraan? de zero ka ngayon sa klase ni Mrs. Cortez?” Pag aalala nitong sabi habang nag lalakad sila palabas ng School Compound.

Bumuntong hininga lang ito saka sumagot “Bahala na.. Mahalaga yung sa’yo kasi delikado ka na talaga kay Mrs.Cortez” Sambit ni Pen-pen habang natatakot din dahil zero ang marka nya sa guro. Outstanding panaman talaga ang mga grades nya, ngayon lang nasira at hindi pa dahil sa kanyang kapabayaan. Nahihiya din sa sarili n’ya si Serafin pero wala na syang magawa naipit din sya ng sitwasyon kung sabagay may katwiran naman si Pen-pen dahil kung nag kataon na sya ang hindi makapasa ng naturang research ay malamang kausapin na ang kanyang mga magulang halos hindi kasi talaga maganda ang mga grades nya.

“Wag mo na intindihin yun, Tara na umuwi na tayo” aya ni Pen-pen sa kaibigan.

“May pupuntahan pa kami ni Mara eh, Umuna ka na” Sambit nito na matamis ang ngiti sa mga labi

“Saan kayo pupunta?” Tanong ni Pen-pen na nakangiti para di mahalata na nasasaktan sya.

“ Sa Mall nag papasama s’ya may bibilin daw s’ya eh.. Mukang sasagutin na ko eh” Masayang sagot nito sa kaibigan.

“Pano ka nakaka siguro?”

”Nararamdaman ko.”

Tumawa ito ng malakas sabay inakbayan ang kaibigan. “Basta salamat kanina ha?” Seryoso at malumanay na ang tono na yon ni Serafin.

“Basta balitaan mo ko sa lakad nyo, Una na ko” Tumalikod na to at sinimulan lumakad palayo sa kaibigan.

Masakit man ang nararamdaman nya ngayon pero pilit parin nyang iniintindi si Serafin alam nya na masaya ito sa tuwing kasama si Mara “Kung san sya masaya, Doon ako” Sabi nito sa sarili habang bumabyehe mag isa pag uwi “Wala akong karapatan hadlangan ang kaligayan nya” Kinakalma nya ang sarili pero ang totoo parang gusto na nyang mag buwis ng luha sa nararamdaman. Pano nga naman kung sagutin na ni Mara si Serafin? Kaya ba n’ya ang sakit na dulot nito? Kaya ba n’ya na makita ang minamahal sa piling ng iba?

Itutuloy….

Pen-pen de Serafin Kabanata 1

Isang normal na araw para sa mag kaibigang Pen-pen at Serafin. Mag kasabay papasok ng eskwelahan at mag kasabay din uuwi halos mula kinder at hanggang ngayong grade six ay mag kaklase pa rin sila madalas silang tuksuhin ng:

“Pen pen de Serafin de kutsilyo de almasen…” Yan din ang tukso ng isang grupo ng batang nadaanan nila habang pauwi na sila sa kanilang bahay.

“Mga walang magawa” sabi ni Serafin kay Pen-pen habang sinusuntok nito ang kanyang sariling palad “Uupakan ko na ang mga to” dugtong pa nito.

“Wag mo ng patulan” piit ni “Pen-pen habang sumisipsip sa gulaman na hawak nito. Lumakad na nga palayo ang dalawa mula sa grupo ng mangaasar na bata hindi na lamang nila ito pinansin.

Halos mag katapat lang ang kanilang bahay, mag kaibigan din ang kanilang mga magulang lumaki sila ng mag kasabay. Isang abogado ang ama ni Serafin habang ang kanya namang ina ay isang public school teacher malapit sa isa’t isa ang dalawang pamilya lalo na ng ipanalo ng ama ni Serafin ang kaso na sinampa ng ina ni Pen-pen sa isang swindler.

Ang ama naman ni Pen-pen ay isang OFW sa Australia habang ang kanyang ina ay namamahala ng kanilang negosyong hardware shop.

Peter Neil De Guzman ang totoong pangalan ni Pen-Pen habang Serafino Gutierrez Jr. naman ang kay Serafin.

Wala yatang araw na hindi sila nag laro wala silang kasawaan sa isa’t isa inuubos nila ang kanilang libreng oras sa pag lalaro at sabay din gumagawa ng araling pang bahay.

Isang hapon sa kanilang pagsusulit.

“Pen pen! Huy! Pen-pen!” pasimple at sobrang hina ang tawag ni Serafin sa kaibigan.

“Ano?” Mahina din ang tugon nito.

“Ano sagot sa number 10?”

“Naku! Di ka nanaman nag aral no?” Sisi nito sa kaibigan habang sinesenyas ang tatlong daliri na ang ibig sabihin ay Letter C.

Madalas na si Pen-pen ang nag tuturo ng tamang sagot kay Serafin sa tuwing kinakailangan nya ng tamang sagot hindi s’ya nabibigo kung si Pen-pen lamang ang kanyang kokunsultahin.

Madalas pag diskitahan ng dalawa ang ulap nalilibang sila sa pag buo ng mga imahe sa kanilang isip. Isang hapon gaya ng nakagawian ay nag abala nanaman sila sa pag buo ng mga bagay bagay sa pamamagitan ng ulap.

“Ayun o parang rabbit!” turo ni Serafin habang nakahiga sila sa kama ni Pen-pen tanaw mula sa kwarto nito ang ulap.

“Ayun naman parang eroplano” Turo muli nito.

“Nasan? Nasan?”

“Ayun o eroplano dumadaan”Tumawa ito ng malakas.

“Ewan ko s’yo” sabay kurot nito sa mag kabilang pingi ng kaibigan.

“Aray masakit Pen-pen!”

Tumayo na si Pen-pen at sumandal na sa kama.

“Magiging ano kaya tayo pag laki no? tanong nito kay Serafin.

Ngumuwi lang ito at tinaas ang balikat “Ewan ko wala pa kong pangarap eh”

“Ako? Gusto kong maging piloto”

Nakatingin ito mula sa malayo at mukang pinaplano na nya talaga ang buhay sa murang edad.

“Sus wag mo munang isipin yan malayo pa yun” sabay hampas ng unan ni Serafin sa kaibigan.

Kinabukasan. Huling araw na ng mag kaibigan sa elementarya maya maya lang sasampa na sila ng stage at tutuldukan na ang mundo bilang isang elementary student.

“Hindi ba uuwi papa mo Pen-pen?” tanong ni Aling Lourdes na ina ni Serafin habang inaabot sa katulong ang polo na isusuot ng anak.

“Naku baka five years from now pa yun tita, alam ko po kasi hindi sya pwedeng umuwi hanggang hindi pa nya tapos ang kontrata.”

“Ahh Mama mo nasan? Sabay sabay na tayong pumunta ng eskwelahan” masuyo nitong tugon sa kaibigan ng anak.

“Nasa Shop pa po, sige po sasabihin ko po na sabay sabay na tayo, nasan po si Serafin?”

“Naku nasa taas pa tulog na tulog ikaw na nga ang gumising at tatanghaliin ka’yo, pasuyo na lang”

“Sige po tita akyatin ko na po” Pag sang ayon nito habang umaakyat na sa kwarto ng kaibigan.

Sanay naman sila na gisingin ang isa’t isa lalo na si Pen-pen dahil sadyang makupad gumising si Serafin. Pero may kakaibang naramdaman ang binatilyo ng umagang yun.

“Bakit ganon?” Tanong nito sa sarili habang humahagod ng tingin sa kaibigan.

“Initiman pa din naman ang buhok nito, unat padin, kayumaggi padin naman ang kulay ng balat. Pero bakit ganon Tumatayo balahibo ko, nanlalambot ang tuhod ko”

Tanong nito sa sarili habang nakakunot ang noo.

“Uy Gising” sabay tapik nito kay Serafin.

“Ummhg..” Umungol lang ito tanda ng pag tugon.

“Tanghali na kaya uh? Malalate na tayo sa graduation natin”

“Susunod na ko” Sabay dantay nito sa sa kanyang unan. Sa pag kakataong yun humarap na ito sa kaibigan. Kakaiba ang kanyang nararamdaman ng mga oras na yun may halong pangingilabot, kaba, panghihina. Pilit nyang tinatanong ang sarili kung bakit nga ganun ang kanyang nararamdaman. Pero di padin nya Makita ang tamang kasagutan.

“Oh basta sumunod ka na lang” sabay talikod nito. Ano nga ba ang kanyang nararamdaman sa kaibigan? pilit padin nya itong iniisip habang bumababa ng hagdanan.

Nakakunot ang noo ni Pen-pen habang sumsampa ng sasakyan papuntang eskwelahan gaya ng napagusapan sabay sabay nga silang tumungo dito.

“Tignan mo naman Mareng Lourdes binata na mga anak natin” Masayang sabi ni Aling Paz ang ina ni Pen-Pen nakasanayan na nilang mag tawagan ng Mare at Pare kahit wala naman silang inaanak sa isa’t isa. Parehong only child lang nila sina Pen-Pen at Serafin kaya naman mataas ang pangarap nilang pareho sa kani-kanilang mga anak.

Tinignan lang ni Aling Lourdes ang dalawa gamit ang salamin na nasa bandang taas ng minamanehong kotse. Ngumiti lang ito at saka nag salita.

“Kelan nga ba ang uwi ni Pareng Lito? Nagbibinata si Pen-pen na halos di nya nakikita ah. Di naman sa pakikialam Mare ha? Di maganda sa bata lalo na sa lalaki ang walang nakikitang father image”

“Hindi ko nga alam eh. Pinipilit ko na nga yon na pagtulangan na lamang naming palaguin yung hardware shop at wag ng bumalik pa ng Australia. Ang katwiran nya eh mahirap daw ang buhay dito sa Pilipinas, Isang limang taon na lang daw pag bigyan ko na lang daw sya”

Sagot ni Aling Paz “Eh kung sabagay pag umuuwi kami sa Laguna niyang si Pen-pen halos tatay na rin ang turing nya sa mga tito nya doon” Dugtong pa nito.

“Kung sabagay mahirap nga naman talaga ang buhay” Pag sangayon ng ina ni Serafin.

Hindi halos kumikibo si Pen-pen sa totoo lang malayo rin ang loob nya sa ama minsan lang kasi nya makapiling ito, halos di na nya mabilang kung ilang pasko at birthday nya ang nag daan na wala ang ama sa tabi.

“Mukang di pa tayo gumagraduate malungkot ka na ah?” bati ni Serafin sa kaibigan na kanina pa nya napapansin na walang kibo habang tinatahak nila ang daan papuntang eskwelahan.

“A- Kasi may iniisip ako eh” sagot ni Pen-pen habang dumudungaw sa bintana ng sasakyan.

“Ano?”

“Iniisip ko kung ano regalo mo sa akin”sabay tawa nito ang totoo kanina pa nya iniisip kung bakit sa tinagal tagal ng panahon e ngayon siya naiilang kay Serafin.

“Hahaha Asa ka naman syempre wala akong regalo” Sabi nito habang tumatawa ng malakas nakikitawa na din sina Aling Lourdes. Tumawa na rin sya pero sadyang ang daming tanong ang nasa kanyang kaisipan.

Pagod na pagod ng makauwi si Pen-pen sa bahay sa wakas ay malalapat na nya ang kanyang likuran sa kama. Tapos na sila ng elementarya pero hindi bakasyon o eskwelahan sa pasukan ang nasa isip niya kundi si Serafin. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit ilang na ilang sya dito eh kung tutuusin ay wala naman bago sa kaibigan wala naman tong bagong damit o bagong gadget para hangaan niya at kung meron man alam nya na hindi ito sapat para maramdaman ang nararamdaman. Sa paningin nya ay nag mukang binata si Serafin na nag tataka sya dahil araw araw naman nya tong kasama. At kung sakali man na nag bibinata na sila bakit kailangan pa nyang mabagabag.

“Umiibig ba ko? Kay Serafin?” Tanong nito sa sarili habang minamasdan ang kanilang litrato na kuha kanina mula sa kanilang graduation. “Mali. Mali? Bakit?” pangalawang tanong nito sa sarili. “Kasi pareho kaming lalaki? Kasi magkaibigan kami? Tinadtad na nya ng tanong ang sarili. Kinamot ang sariling ulo at nag talukbong ng kumot. “Wirdo. Kakaiba talaga to.” Hindi na nya namamalayan natulog na siya sa kakaisip.

“Gising gising batang tulog!” maingay at may kalakasan ang boses na yun ni Serafin habang niyuyugyog siya nito sa sariling kama kinaumagahan. Naalimpungatan s’ya naaninag na nya ang mukha ng kaibigan. Pumikit uli ito.

“Ano ba yan ang taong kagabi ko pa iniisip, yun pa ang taong gigising sa akin” Sambit nito sa isip.
“Diba ngayon tayo bibinyagan? Tayo tayo batang magbibinata” sabay hila nito sa kamay ni Pen-Pen. Ang tinutukoy nito ay ngayon sila naka schedule sa doktor para tulian.

“Eto na eto na!” kunot nitong sinabi habang pinipilit na tumayo.

Halong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman ng nasa klinika na sila.

“Masakit kaya?” Tanong ni Serafin sa kaibigan.
Kumunot lang ito at ngumuwi. “Hmm sa tingin ko tignan natin yung reaksyon ng mga batang lumalabas mula sa kwarto na yun” sabay nguso nito sa kwartong nabangit. Maya-maya isa isa ng lumalabas ang mga pasyente. May naka nguwi, may mga normal lang, may nakatawa, may alam mong kinubli lang ang sakit.

“Next!” Sigaw ng nurse habang naka dungaw sa pinto ng isang maliit na kwarto.

“Next? Next daw” sabi ni Serafin kay Pen-pen.

“Uh de ikaw na Number 12 kaya ako Number 11 ka”

“Ay oo nga no? Wish me luck!” unti unti ng nag lakad papunta sa maliit na kwarto ng klinika ang binatilyo pilit na pinapatapang nito ang sarili, magbibinata na s’ya ilang minuto na lang walang dahilan para matakot. “Go for Gold! Sigaw nito sa kanyang sariling isip.

May mahigit kalahating oras din ang nag daan naka nguwi ito ng lumabas sa kwarto habang nakatingin sya kay Pen-pen.

Hindi maintindihan ni Pen-pen pero naawa sya sa kaibigan hindi takot ang kanyang nararamdaman kundi awa kay Serafin. Ayaw nya na nakikitang nahihirapan ito. Habang papalapit si Serafin ay nag bago ang reaksyon ng muka nito ang kaninang pag kakanguwi ay pinalitan ng isang matamis na ngiti.

“Sus! Sisiw lang pala” sambit ng nag mamalaking binatilyo. “Kayang kaya mo” pag papalakas nito ng loob sa kaibigan. Hindi naman talaga sya natatakot sa totoo lang pero sa pag kakataon na yun ay parang ayaw na muna nyang marinig ang salitang “NEXT”.

“Next!” Sigaw muli ng nurse. Tumingin ito kay Serafin para kahit papano ay mabigyan sya ng kaunting lakas ng loob “Kaya ko ba?” Tanong nito sa kaibigan na kitang proud na proud na nalagpasan nya ang pinaka malaking hamon nang isang nag bibinata. Tumango lang ito bilang pag tugon. Tumayo sya para pumunta na sa kwarto “Kaya ko to’kaya ko to” Paulit ulit nitong kumbinsi sa sarili.

“Kamusta mga binata ko!?” Bati ni aling Lourdes sa dalawa ng makauwi na sila sa bahay. Nakapalda ang mga ito habang inaangat ang tela upang hindi madikit sa sugat.

“Masakit?” Tanong ng ginang.

“Sisiw” Sagot ni Serafin sa ina.

Hindi kumikibo si Pen-pen ang totoo unti unti na itong sumasakit dahil nawawala na ang pamanhid na itinurok ng doktor.

“Wag Ipapakita sa nga girls, Mangangamatis!” Biro ng ina kay Serafin matagal na nilang naririnig ang kasabihan na yun pero hindi sila naniniwala, kung totoo yun kanina pa siguro ito nangamatis dahil babae ang nurse na nag asikaso sa kanila kanina. Nag katinginan lang ang dalawa at saka tumawa.

“Para tayong bading” Sabi ni Serafin kay Pen-pen habang itinataas ang palda na suot.

Tumawa lang si Pen-pen at napatingin sa malayo. “Bading? Bakla? Binabae? Ako?” tanong nito sa sariling isip. Hindi nya maisatinig dahil ang totoo kinakatok na din s’ya ng kanyang sariling pag ka tao.

Itutuloy….

Banat Qoutes #3

Centrum ka ba? Kasi, you make my life complete!

Nakakapagod naman umupo, miss, pwede bang tayo na lang?

Inii-small ka ba nila? Don’t worry babe, inii-BIG naman kita…

Alam mo naisip ko lang, ang pinakamasarap na feeling sa mundo?…ay makafeeling ka..

Mukha kang magaling sa Algebra, can you substitute my X?

Hindi ka ba nalulungkot miss, nag-iisa ka lang sa heart ko eh.

I realized lang, hindi lahat ng humihinga ay buhay, tingnan mo ko humihinga pero patay na patay sayo.

No offense ha,  driver ka ba? Ikaw na agad nagpapatakbo ng buhay ko eh.

Kung umasta ka feeling mo amo kita! Bakit mo inaalila puso ko?

Ang yabang mo, siguro iniisip mo bobo ako…masasabi mo bang bobo ako kung ikaw lang naman laman ng isip ko?

Hi, I’m Antok, dadalawin kita gabi gabi ha.

Hi, gusto lang kita galitin, pero sana naman patulan mo ko.

 

Banat Qoutes #2

Pwede ka mahulog sa building, pwede ka mahulog sa puno…
Pero ang pinakamaganda ay..kung sa akin ka na lang mahuhulog…

May band-aid ka miss? Nahulog kasi ako eh…
Nahulog ako sayo.

Miss Miss! Mali ka ng pinuntahan!
Doon ang Ms. Universe Contest Hindi dito…

Interior designer ka ba?
Gumanda kasi yung kwarto pag dating mo eh.

Parang bali na lapis ang buhay ko pag wala ka…pointless…

Ano pangalan mo? Magpapasko na kasi para alam ko ano hihilingin ko sa pasko.

Aray miss! (bakit?) nakakapaso ka you’re so hot!

Miss kausap mo ba ko? (hindi bakit?), ok pwede mo ng simulan, Go.

Alam mo? Tingin ko sweet ka na tao…patikim nga!

Kung walang pinapatunguhan buhay mo, ituturo ko na lang ang daan patungong puso ko…

Sabi ni Peter Pan “You will fly when thinking of happy thoughts”, Eh bat nahuhulog ako pag iniisip kita?

Pag laki ko…gusto ko maging….SAYO.

07

  1. Its hard to realize, to accept. When the one you love has to go. It hurts but you say, “kaya ko to!” Tears fall coz wat you really mean is, “sh*t, pano nko?”
  2. Ang buhay raw parang biro. Kun ano pa un mahalaga, un p mwawala sau. eh ang pgdting mo sa buhay q? biro rin ba? wag nmn sna. kc pag kw nawala, hndi n nkktwa..
  3. Katangahan bng lumapit khit umiiwas na xa? mgppncin kht bnbalewala niya lng? mghntay kht sa wala? ikaw b ang tanga dhil umaasa pa? o xa? na di makaunawang sobrng mhl mo xa?
  4. ang love prang sugal. mnsan talo, mnsan pnalo, mnsan tiba-tiba, mnsan bawi lng. pro lam mo kng ano mskit? ang mkta mong pnlo kana sna. kso nde ka 2maya..
  5. msama bng mplingon syo at ti2gan ka? msama bng mging msaya pg nkakausap kta? kslanan bng msktan kpg tnu2kso ka sa iba? at pkisbi nmn skn. kslanan bng mhlin kta?
  6. sbi ko dti, kht ano mngyri ipagla2bn ko siya. kht ano mngyri dko ha2yaan mwla siya.. pro nkkpgod dn pla na ipaglban un taong wlang gnwa, kundi pkwalan ka..
  7. mskit kpag nki2ta m ung mhl mo nssktan dhil sa mhl niya. wla kng mgwa kc wala ka nmng kraptan. maiicp mo nlng bgla, “bkt ang taong pnpangarap ko, bnbasura lng ng ibang tao?”
  8. mnsnan sa pgaakala qng mhal aq ng 1 tao.. ndedevelop nrin aq, pgla2bn kc akla 22o. mskit ng mlamn qng my halong pnloloko. na2nhimik aq, drting xa, sa2ktan lng pla aq..
  9. mling icpn xa pro gnawa ko. mling mgalala s knya pro gnwa ko. mling mhlin xa pro gnawa ko. pro ang klimutan xa. “un sna ang tama pro bkt d ko mgawa?”
  10. bkt b pg ngmmhl ka ngmu2ka kng tanga? dhil ba ngiging mli ka kht tama ka? dhil b ngiging mhina k kht mlakas ka? dhil b ngbbgay k kht wlang kpalit? o dhil msaya ka kht mskit?
  11. mskit mging kaibigan ng taong mhl mo, di mo alam kun san k lu2gar. d k dpat umasa pa. o di kya mainis sknya. bkt? anu krapatn mo? kaibign k lng db?
  12. sna ako ang namimis mo, sna ako ang plging hinhnap mo, sna ako ang mhal mo at sna…. wg kang mgagalit sa mga pnagsssbi ko dhil…. hanggang “sana” lng nmn ako.
  13. hirap dba? pag ung mhal mo dka pnapancin..ang lungkot iciping d mo cia mlpitan,mhawakan o mkausap man lng.pro dba mas mskit iciping cia ang buhay mo pro basura ka lng sa buhay nya.
  14. sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa’yo. o nagsisisi na iniwan ka niya, sa totoo lang, hindi ako naniniwala, dahil nakatulog ka’ng lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi, “ako kaya iiyakan mo?”
  15. paulit ulit lng buhy pag ibg e. mkikilala ko, mahuhulog ako. mgmmhal ako, mmhalin ako. iiwn ako iiyk ako. kung mhl mo nko puede hanggang dun nlng?. wag mo nko paiyakin.
  16. sabi nila pag mahal mo isang tao, matututo kang pakawalan cia. kung sau, sau. kung hindi, hindi. eh pano mo iisiping pakawalan cia? kung cia ang dahilan kung bakit ka nagmamahal.
  17. miss kita. alam mo ba? hindi? tanga! iniisip kita. alam mo ba? hindi? tanga! mahal kita. alam mo ba? hindi? tanga! may mahal ka kasing iba. ay! ako pala ang tanga. kaya pala..
  18. kbgan kita, dpat iingatn mo ko. kbgan kta, klanga nlgi kang andyan. kbgan kta, dpat mhal mo ako. kbgan kta…kya 2lungan mo akong icping kbgan lng tlaga kita!!!
  19. kgabi ng-usap kmi ni Lord. sbi ko s kña “bkit po ang skit-skit…ngmhal nman ako db? nyakap ña ako sabi ña ‘anak, sobra kasi…”
  20. cguro nga di sa lhat ng oras e aasa tyo s mga pngarap ntin. masa2ktn lng tyo. kc di lhat ng pngrap ntin pra stin, natu2pad. parang ako, pngarap lng kita…hanggang pngarap lang.